Wednesday, March 03, 2010

24 hour Pizza delivery sa Marikina

tarpaulin ng home pizzaIsang malamig na umaga nung Disyembre, naglalakad ako pauwi nang madaanan ko ang tarpaulin na ito. Naintriga ako dahil bukod sa may website sila, eh wala namang store address na nakalagay sa tarpaulin nila. Dahil tamad akong dumukot ng cellphone para i-save yung numerong nakasulat, kinabisado ko na lang yung url ng website nila for future reference.
homepizza dot com dot ph!
homepizza dot com dot ph!
homepizza dot com dot ph!
Game! Kabisado ka na! Umuwi ako sa bahay at ginawa ang mga normal na gawain ko at pansamantala kong nakalimutan ang homepizza dot com dot ph. Isang araw, may seminar si Mama sa Los Baños kaya kinailangan niyang manatili dun ng isang lingo. Sakto naman at may sakit din ako at nagpapasaway ang kapatid ko kaya naiwan ako sa bahay para magbantay ng 2 nakababatang kapatid ko. At dahil wala akong lakas na magluto ng hapunan ng araw na iyon, naisipan ko magpa deliver ng pizza. Pinuntahan ko ang website ng Home Pizza at duon ko natagpuan ang buong menu nila.
Aba! 24 hours delivery! Magandang balita ito para sa adik este nocturnal na kagaya ko. Agad kong tinawagan ang isa sa mga numerong nakasaad sa website nila at nagpadeliver ng isang 20 inch na 1+222 (Isang classic flavor at 3 signature flavor).
home pizza flyer home pizza flyer
Inisip ko kase na baka hindi masyado masarap yung classic flavor nila dahil nadala na ko sa pag-order ko sa Planet Pizza. Sinubukan ko kase umorder ng Hawaiian na isa sa mga cheap na flavor sa Planet Pizza at sobrang na-disappoint ako sa kakapirangot na toppings at nakakaumay na lasa ng cheese. Kaya sa pag-order ko sa Home Pizza, naisipan ko orderin muna ang masasarap na flavor nila.
Dumating ang order namin matapos ang 45 minuto, na hindi na masama considering na napakalaking pizza ang magiging hapunan namin. Mainit pa ang pizza at hindi naman ako na disappoint dahil umaapaw ito sa toppings! May kasama pang garlic cream sauce pang kasama! May pizza ka na, may shawarma sauce ka pa!
12142009140 12142009142
Technorati Tags: ,,, ,,,,




4 comments:

melody said...

wow!!! galing naman deliver agad!!! sarap nagutom tuloy ako!

太可怕 said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Nash said...

Hi!

THE WAIT IS OVER!!!!!

I ♥ N The Official Blog Launch!

my new blog is UP NOW!!! I hope you can drop by and leave some comments ;)

Follow the link thanks!
http://ilovenashyboy.blogspot.com/

LOVE,
N

Lite Kira Yagami said...

Sarap Nyan..Pa Deliver Nmn Dto Sa Qatar..Nagugutom Tuloy Ako..

Hi Abby.... =)